Kailan ba ako huling nagsulat sa ating Wikang Pambansa? Hmmm ... hindi ko na maalala kaya bilang paggunita sa Buwan ng Wika, sabi ko sa sarili ko, pipilitin kong magsulat muli sa Filipino. Gusto ko na sanang sumuko dahil sa totoo lang nagdudugo na ang ilong ko ngayon pa lang. Pero sige, sa ngalan ng pagmamahal sa ating wika ay ibubuhos ko ang lahat ng alam kong Tagalog/Filipino.
Noong nakaraang linggo ay sinimulan sa Rosemont ang iba't ibang aktibidad upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ang Senior Kinder ay nagkaroon ng Munting Salo-Salu kung saan ang bawat estudyante ay naatasang magdala ng isang pagkaing Filipino. Si Ethan ay naatasang magdala ng bibingka.Sayang at hindi ko nakita ang ibang mga pagkaing dala ng kanyang mga kaklase (ibig kong sabihin sayang at di ko natikaman ang pansit at chicharon na ayon kay Ethan ay masarap hehehe).
Bago nagkaroon ng salo-salo, ang mga bata ay naglaro muna ng iba't ibang larong Filipino. Kahit hindi man masabi ni Ethan sa akin kung ano ang kanilang nilaro, sa tingin ko naging masaya naman siya (dahil sa mga premyong laman ng kanyang baunan : D
Isang linggo din na mga palabas tungkol sa mga Katutubong sayaw ang ipinapanood sa kanilang klase. Tinuruan din sila ng ilang kanta at sayaw. Pati na rin ang pagbibilang sa Filipino. Hindi ko malaman kung matatawa o maaawa kay Ethan dahil pagdating ng anim ay hirap na siya kung ano ang susunod! Hay naku, may mali yata ako kasi hindi ko man lang siya tinuruan! Tsk tsk tsk.
Nitong Huwebes, Agosto 19, ay nagkaroon ng isang parada ang mga bata kung saan ay suot nila ang iba't ibang katutubong kasuotan. Si Ethan ay nagdamit ng Kasuotang Muslim (ay sana tama ang Tagalog ko!). Narito ang mga larawan ng naturang pagdiriwang.
Pagkatapos ng parada ay isa isang ipinakita ng bawat klase ang kanilang inihandang sayaw o kaya naman ay kanta. Ang klase nila Ethan ay hinati sa dalawa. Ang unang grupo kung saan kabilang si Ethan ay sumayaw ng CariƱosa.
Tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan si Ethan na sumasayaw! Naikwento nga sa akin ni Teacher Pie na si Ethan ang ginagawa niyang halimbawa sa mga kaklase nitong lalaki upang sundin kapag sila ay nag-eensayong sumayaw!
Ngayon ang huling araw ng Agosto at katapusan na ng Buwan ng Wika. Sana'y kahit lamang sa paggamit at pagkilala sa ating wika ay lubos nating maintindihan ang kahalagahan ng pagkakaroon nito.
Salamat sa pagbabasa. Kailangan ko na ng panyo at dumudugo na ilong ko! : D
-Pia